"Nakakalito ang mundo. Kung sinong mahal mo siyang ayaw sa'yo."
Bigla akong natawa dahil sa linyang iyan kanina habang pinapakinggan ko ang mga kanta na nasa playlist ko. The song's title was "Kahit Habang-buhay" originally sung by Smokey Mountain and was revised by Yeng Constantino and Sam Milby. It became the theme song for Enchong and Erich's movie "I Do".
Marami sa atin ang nakaka-relate sa linyang nasa itaas, hindi ba? Marami sa atin ang nakaranas at dinadanas pa rin hanggang ngayon ang tinatawag nilang "unrequited love" o "pag-ibig na hindi natugonan". Marami sa atin ang nagtataka kung bakit ganoon ang nangyayari. Bakit kaya kung gusto mo ang isang tao, hindi siya napapasaiyo? Bakit napupunta siya sa iba? Bakit iba ang mahal niya sa halip na ikaw? Bakit unfair ang mundo?
Well, isa ako sa mga taong nakaranas ng ganyan. Siguro hanggang ngayon, nasa ilalim pa rin ako ng kapangyarihan ng unrequited love. Hindi ko alam. Gusto kong isipin na nakapag-move on na ako. Gusto kong isipin na okay na para sa akin ang lahat. Gusto kong isipin na hindi ko na siya mahal. Pero sino ba ang dinadaya ko? Sino ba ang pinapaniwala ko? Hmm. Ang sarili ko.
You see, my girlfriend na ang lalaking mahal ko. Ibig sabihin, gustuhin ko man o sa hindi, wala nang chance para magkaroon ng katuparan ang pinapangarap kong love story naming dalawa. Marami ang nagsabi sa akin na, "Uy, girlfriend pa lang naman 'yon. Maaagaw mo pa.". Haha! The thought seems too tempting yet, I couldn't bring myself to plot a scheme that would cause their break up.
Ganito ang nararanasan ng majority sa atin kapag hindi tayo pinapansin ng taong crush o mahal natin. Marami kasing factor kung bakit deadma pa rin siya sa iyo. Gaya na lang ng mga ito:
1. MAY GIRLFRIEND NA SIYA/MAY MAHAL SIYANG IBA - Nalaman mo ang masaklap na katotohanang ito dahil sa lintik na "In A Relationship With" status sa Facebook. Nakita mo sa News Feed mo ang mukha nilang dalawa ng babaeng pinalit este pinili niya. Mas naging matibay ang katotohanang iyon dahil nang tingnan mo ang Facebook profile picture at cover photo niya, picture na nilang dalawa ng girlfriend niya ang nandoon. Sabi nga nila, kapag nasa Facebook na: It's official! Confirmed!
2. ITINUTURING KA NIYANG NAKABABATANG KAPATID - Marami sa atin ang nakaranas na rin na nalagay sa sitwasyon na ito. Feeling niya kasi, Kuya o Ate mo siya. Tingin niya sa'yo bubwit lang sa tabi niya at hindi boyfriend or girlfriend material. Bongga ang pagkahulog mo sa lalaking itinuturing kang nakababatang kapatid dahil extra caring siya sa'yo. Minsan, madaling natatanggap ng mga nakaranas ng ganito ang katotohanang nasa "sibling zone" lang sila. Minsan.
3. INILAGAY KA NIYA SA PAMOSONG "FRIEND ZONE" - Nalaman mong ganito ang status mo sa puso/buhay niya dahil bigla kang nag-confess sa kanya. Oo. Hindi na kinaya ng powers mo ang alab ng iyong pag-ibig para sa kanya kaya isinambulat mo na lahat dahil napagod ka nang magpanggap na kaibigan lang ang tingin mo sa kanya. "You're cool but I only consider you as my friend" iyan ang pamosong linya ng mahal mo kapag inilagay ka niya sa Friend Zone. Ano ba sa palagay niya, maiibsan ang sakit kung sasabihan ka niya na cool ka? Oy, dong! Hindi 'no?
4. FOCUS SIYA SA CAREER NIYA - Hayok siya sa trabaho niya. Hindi sa ayaw niya sa'yo at hindi rin sa gusto ka niya. Ang isip niya ay nasa trabaho lang talaga. Case closed.
5. WA-EPEK KA SA KANYA - Hindi ka lang talaga niya gusto. Mapa-sibling zone o friend zone man, wala ka sa kanya. Walang explaination ang ganito. Period.
So, kung minsan n'yo nang naitanong sa sarili n'yo kung bakit hindi pa rin kayo crush ng crush n'yo, baka isa sa mga nakalista sa itaas ang dahilan. Masakit, oo. Minsan pa nga, mahirap tanggapin. Gaya na lang ngayon na bigla kong nami-miss ang unggoy na iyon. Pero wala tayong magagawa kung ganyan talaga ang gusto ng tadhana para sa atin. Minsan kasi, ang taong sa tingin natin ay perpekto na para sa atin ay ang tao palang dapat nating iwasan dahil hindi siya makakapagdala ng kabutihan sa atin. Look around you, baka sakaling nasa paligid mo lang ang magbibigay ng "requited love" sa'yo.
P.S., Hey! I miss you, really!